Holdaper, isnatser, karnaper at kidnaper tuloy ang ligaya sa Maynila
- Ka Ambo
- Jan 13, 2020
- 1 min read
Inaayos na ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.
‘Nganga’ si P-Digong!
◘◘◘
NAKURYENTE ang main stream media sa fake news na may bagong Customs commissioner.
Naglaway ang pusakal na ismagler!
◘◘◘
NAWALA raw ang tikas ng mga pulis sa Metro Manila.
Nagkalat na naman ang mga holdaper, isnatser, karnaper at kidnaper!
◘◘◘
KALIWA’T kanan ang illegal gambling.
Tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
RASYON pa rin ang tubig sa Kamaynilaan kahit puno na ang Angat Dam.
Mga ‘langhiya kayo!
◘◘◘
TAKOT sa giyera ang U.S. at Iran.
Ha-ha-ha!
◘◘◘
TUMAKBO ang mga Chinese vessels nang dumaong si Indonesian President Joko Widodo sa pinag-aagawang Spratly Islands.
‘Yan ang totoong hindi bakla!
◘◘◘
MARAMI na ang nagmamaniobra sa 2022 Presidential Elections.
Isa na ang sunud-sunod na asasinasyon!





Comments