top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ginebra Kings, naghari sa Game 3

  • ATD
  • Jan 13, 2020
  • 2 min read

Photo: Abs-cbn Sports

Abante ulit sa best-of-seven finals ng PBA Governor’s Cup ang Barangay Ginebra Gin Kings matapos tunggain ang 92-84 panalo laban sa Meralco Bolts sa Game 3 kagabi sa Araneta Coliseum.

Nagsanib puwersa sina import Justine Brownlee at locals Japeth Aguilar at Stanley Pringle upang akbayan ang crowd favorite Gin Kings sa 2-1 serye. Dikdikan ang banatan sa unang dalawang periods, abanse ang Gin Kings, 43-42 sa halftime.

Lamang ng tatlo ang Ginebra sa first canto, 24-21, pero naidikit pa ito ng Bolts matapos kumuryente ng 21-19 bentahe sa second. Nag-init ang opensa ng Ginebra sa third, humarurot ng 35-16 para hawakan ang 20-point lead, 78-58 papasok ng fourth quarter. Inalagaan lang ng Ginebra ang kanilang lamang sa payoff period upang makuha ang matamis na panalo.

Bahagyang kumapit ang Bolts pero naging matatag ang Gin Kings sa endgame para manatili ang kanilang bentahe. Samantala, sisikapin ng Gin Kings na masilo ang pangalawang sunod na panalo bukas sa Game 4 upang mamuro sa inaasam na titulo. Tiyak na muling kakapitan ng Ginebra amg kanilang hugot na si Brownlee para lumakas ang tsansa na magkampeon sa nasabing conference. Naka-una sa Game 1 ang Gin Kings pero naitabla ng Bolts ang serye nang manalo sa Game 2.

Tulad ng Ginebra, huhugot din ng lakas ang Meralco sa kanilang reinforcement na si former Best Import Allen Durham. Bukod kay Durham, sasandalan din ni head coach Norman Black ang kanyang locals na sina Baser Amer at Chris Newsome. Habang sa Ginebra, inaasahan na tutulong sa opensa sina Japeth Aguilar, LA Tenorio, Stanley Pringle at Scottie Thompson.

Laro sa Miyerkules: (Best-of-7, Finals) 7:00 p.m Bgy. Ginebra vs Meralco, ( G4)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page