top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Construction worker timbog sa shabu

Gina Pleñago
Jan 13, 2020
1 min read

Swak sa kulungan ang isang construction worker nang mahulihan umano ng ilegal na droga sa isang Oplan Galugad sa Pasay City, kahapon ng tanghali.

Kinilala ni Pasay City Police Chief, P/Colonel Bernard Yang, ang suspek na si Rudy Panucia alyas Joker, 29, ng Bgy. 186, Maricaban.

Ayon sa ulat ni S/Sgt. Billy Jhon Velasquez, alas-12:00 ng tanghali nang magkasa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Police Community Precinct-8 sa pangunguna ni M/Sgt. Ralph Boco sa St. Rita St., Bgy 186 na ikinahuli ng suspek.

Naispatan ang suspek na kahina-hinala ang ikinikilos nito na sanhi ng kanyang pagkakasita at makapkapan ng isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.15 gramo na nagkakahalagang P1,000 dahilan ng agaran nitong pagkakadakip.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page