top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Base sa autopsy — NBI.. OFW na pinatay sa Kuwait, nireyp

M. Moratillo / M. Alfonso
Jan 13, 2020
1 min read

May mga nakitang palatandaan ang National Bureau of Investigation na hinalay ang Overseas Filipino Workers (OFW) na si Jeanelyn Villavende.

Si Villavende ay matatandaang pinaslang ng kanyang employer sa Kuwait.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, nitong Enero 10 ay isinailalim sa awtopsiya ng Medico Legal ng NBI ang labi ni Villavende.

Pinangunahan ito ni Dr. Ricardo Rodaje na hepe ng Medico Legal Division ng NBI at isinasagawa sa Cotabato. Batay aniya sa pagsusuri, may malinaw na indikasyong ginahasa si Villavende.

May mga nakita ring gumaling na sugat na magpapatunay na nakaranas din ng pambubugbog si Villavende ilang linggo bago ito nasawi.

Inaasahang ngayong araw ay maisusumite na sa tanggapan ni Guevarra ang pinal na report ng NBI.

Matatandaang, sa report na isinumite ng Kuwait sa Department of Labor and Employment nakalagay lang na namatay si Villavende dahil sa physical injuries pero, hindi ito pinaniwalaan ni Labor Sec. Silvestre Bello III.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page