Ukrainian airplane, pinasabog ng Iran, sori lang ang katapat
- Ka Ambo
- Jan 12, 2020
- 1 min read
Inamin ng Iran na pinasabog nila ang Ukrainian airplane kung saan dedbol ang 176 nitong pasahero.
Sorry daw dahil human error.
Ganu’n lang kasimple!
◘◘◘
MALINAW ngayon na ang kinatatakutang nuclear war ay maaaring biglang pumutok dahil din sa human error.
Sorry na lang sa matutunaw na biktima!
◘◘◘
INAKALA ng mga pulis na parada lang ng boy scouts ang prusisyon sa imahen ng Itim na Poong Nazareno.
Kapos sila sa kultura at imahinasyon ng sitwasyon!
◘◘◘
HINDI matukoy ang utak sa pagpatay sa dating kongresista ng Batangas na isa ring dating huwes.
Huh, politika kaya ‘yan?
◘◘◘
DINAGDAGAN daw ang alokasyon ng tubig sa NCR mula sa Angat Dam.
Lokohin ninyo ang lelong ninyo!
◘◘◘
WALA na raw El Niño ngayong taong 2020.
Maniwala?
◘◘◘
INIHAYAG ng China ang unang namatay sa misteryosong pneumonia virus.
Nanangkupooo!
◘◘◘
AMINADO ang mga eksperto na hindi masasawata ang nasusunog na Australia.
Hindi kaya ‘yan na ang impiyerno?
◘◘◘
KANI-KANYA nang paramdam ang mga aspirante sa 2022 elections.
He-he-he!
◘◘◘
PUWEDE nang magparehistro sa Lunes para sa eleksiyon.
Magsisimula nang mag-excursion ang mga flying voters!





Comments