top of page
Pokwang.jpg

Tulong-pinansiyal para sa mga biktima ng bagyong Tisoy

Buti Na Lang May SSS
Jan 12, 2020
3 min read

Buti na lang may SSS

Dear SSS, Magandang araw! Nais kong malaman kung mayroon bang tulong-pinansiyal ang SSS para sa mga naapektuhan ng Bagyong Tisoy noong Disyembre? Maraming salamat! —Lourdes

Sagot Mabuting balita, Lourdes! Nagsimulang tumanggap ang SSS ng aplikasyon para sa Calamity Assistance Package (CAP) para sa mga miyembro at pensiyunado na naapektuhan ng Bagyong Tisoy noong Disyembre, 2019. Maaaring mag-apply ang mga miyembro at pensiyunado na naninirahan o may ari-arian sa mga lugar na idineklara ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa ilalim ng state of calamity.

Kabilang dito ang Naga City, Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate at Sorsogon. Kasama rin ang Batangas City, Mabitac, Laguna, lalawigan ng Quezon, Cavite, Oriental at Occidental Mindoro, Marinduque, Corcuera at San Fernando, Romblon, gayundin ang Northern Samar.

Sa ilalim ng CAP, maaaring makakuha ng calamity loan, advance three-month pension at direct house repair and improvement loan ang mga miyembro at pensiyunado na naninirahan o may ari-arian sa nabanggit na lalawigan.

Maaaring mag-apply sa Calamity Assistance Package ang mga miyembrong nakarehisto sa SSS Web (My.SSS facility), nakapagbayad ng 36 buwanang kontribusyon, ang anim (6) dito ay dapat nakatala na sa record ng miyembro sa huling 12 buwan bago ang filing ng aplikasyon at nakatira sa mga binanggit na calamity areas at nawalan o nasira ang mga ari-arian sa naturang lugar.

Maaari rin ang mga miyembro na may pag-aari o may tahanan sa mga nabanggit na lugar. Dapat hindi pa sila nabibigyan ng anumang final benefit tulad ng total disability o retirement o outstanding loan balance at binabayaran sa ilalim ng Loan Restructuring Program at Calamity Loan Assistance Program.

Kung employed naman, kinakailangang ang kanyang employer ay updated sa pagbabayad ng kanilang mga kontribusyon at loan payments sa SSS.

Ang halagang makukuha para sa calamity loan ay katumbas ng one-month maximum monthly salary credit ng miyembro na batay sa average MSC sa nakalipas na 12 buwan. Sa kasalukuyan, ang maximum monthly salary credit ay katumbas ng P20,000. Ito ay hiwalay na pautang sa regular na salary loan kaya ang miyembro na may natitirang utang sa salary loan ay maaari pa ring mag-apply sa calamity loan.

Sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na kasalukuyang nasa ibang bansa, kinakailangang sila ay residente ng mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng state of calamity. Kung kasalukuyan silang abroad, dapat mag-isyu ang OFW ng authorization letter sa kanyang authorized representative na magpa-file ng kanyang calamity loan application kalakip ang kopya ng kanyang ID cards at ID ng kanyang authorized representative sa Pilipinas.

Ang mga pensiyunado ay maaaring mag-avail ng advance three-month pension. Kinakailangan lamang na magpakita ng barangay certification bilang patunay na sila ay naninirahan sa nasalantang lugar na idineklara ng NDRRMC.

Maliban sa calamity loan, ang mga miyembrong nasira ang bahay ay maaari ring mag-avail ng Direct House Repair and Improvement Loan Program. Hanggang P1 milyon ang maaaring hiramin na may interest na 8% kada taon para sa utang na may halagang aabot sa P450,000 at 9% kada taon para sa utang mula P451,000 hanggang P1 milyon. Bibigyan din ang borrower ng anim na buwang moratorium sa pagbabayad ng kanyang monthly amortization at hindi na rin sisingilin ng 1% processing fee.

Upang makapag-apply sa Direct House Repair and Improvement Loan, ang miyembro ay kinakailangang hindi hihigit sa 60 taong gulang at nakapaghulog ng hindi bababa sa 24 buwan kontribusyon kung saan ang tatlo nito ay naihulog sa loob ng 12 buwan bago ang buwan ng kanyang aplikasyon sa SSS.

Ang mga pensiyunado naman ay maaaring mag-avail ng advance three-month pension. Kinakailangan lamang na magpakita ng barangay certification bilang patunay na sila ay naninirahan sa nasalantang lugar na idineklara ng NDRRMC.

Tatanggap ng aplikasyon para sa calamity loan at advance three-month pension hanggang March 19, 2020. Samantala, ang aplikasyon para sa Direct House Repair and Improvement Loan ay hanggang isang taon o December 20, 2020.

Sa mga interesadong miyembro at pensiyunado, maaaring mag-file ng aplikasyon sa pinakamalapit na sangay ng SSS. Maaaring i-download ang mga kaukulang forms, barangay certification at authorization letter sa SSS website sa www.sss.gov.ph.

Kung mayroon man kayong mga katanungan tungkol sa SSS o mayroon kayong topic na nais matalakay sa kolum na ito, maaari ninyo kaming i-email sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page