Trust Worthy vs. Premiere Danseur

Aalagwa ngayon ang 12 karera sa Philracom-Rating Base Handicap System(RBHS) at Condition Race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Kasabay nito aalagwa ang dalawang Winner Take All (WTA), dalawang Pick 6 at Pick 5 at isang Pick 4 na kapapalooban ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six.
Sa Race 1, nakalalamang ang Bugle Notes, makakalaban ang mga kalahok na couple entry na Hamlet at Lemonada at Certain To Win. Sa Race 2, mag-uumpisa ang 1st WTA at nakalalamang ang Money Show at makakalaban ang Caraga Storm at couple entry na Blind Itim at Humble Submission na maghaharap sa Philracom-RBHS.
Magsisimula ang Pick 6 sa Race 3, nakalalamang ang Premiere Danseur at may laban ang Trust Worthy sa tulong ng ka-Couple Entry na Miss Marshall isama ang couple entry na Pampangueño at Magnifico sa Condition Race (18).
Sa Race 4 at magkakalaban ang Great Style, Golden Octagon at Golden Casino na simula ng 1st Pick 5. Sa Race 5, nakalalamang ang Magtotobetsky laban sa Wannabe, na simula nang 2nd WTA.
Nakalalamang ang Boom Boom Thailer, may laban ang Isa Pa Isa Pa, Edinburgh at Star Kidapawan sa Race 6 na simula nang 2nd Pick 5. Sa Race 7,magaganap ang 2nd Pick 6 at nakalalamang ang Lucky Saver at makakalaban ang Hayley Margarette.
Sa Race 8, magaganap ang 3rd Pick 5 at ipinapatok ang couple entry na You Never Know at Taipan One, ngunit posibleng talunin ng Here I Am at Looksmart.





Comments