top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sa mga 'di ma-take na tutol siya sa same sex marriage… Sigaw ni Ai Ai: Kay God kayo mag-explain

  • Nitz Miralles
  • Jan 12, 2020
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Na-bash si Ai Ai delas Alas da­hil sa pahayag na inire­res­peto niya ang same sex relationship, but not same sex marriage.

Wala namang masama sa sinabi ni Ai Ai at opinion niya ‘yun, kaya bakit siya bina-bash?

Nag-post tuloy ito sa Ins­ta­gram (IG) ng quotation card na “Before you talk, listen. Before you criticize, wait. Before you pray, forgive. Before you quit, try. Before you click, think.”

At buwelta rin niya sa mga bashers: “At sa mga bashers sa Twitter, kahit wala akong Twitter...Kay God kayo mag-explain, huwag sa akin dahil nag-share lang ako ng kanyang mga salita na nakasulat sa Bibliya...kung sakaling dumating ang panahon na maliwanagan na ang mga isip ninyo, willing ako na maging NINANG n’yo at tutulungan ko kayo na ituro sa inyo ang tamang daan patungo kay Lord. Hindi ko naman itina­tanggi NA MAKASALANAN AKO. MA­RAMI AKONG PAGKAKA­MALI NOON pero ang mahalaga, ti­nang­gap ko ang AKING mga kasalanan, mga pagkaka­mali... nagsisisi ako at humingi sa Kanya ng kapatawaran AT NAG­BAGONG BUHAY... GOD is a forgiving GOD... GOD BLESS EVERYONE TO GOD BE THE GLORY.”

Walang dapat ikatakot si Ai Ai dahil kung may mga nang-bash man sa kanya, mas marami pa rin ang nakaintindi at patuloy na susuporta sa kanya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page