top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Pagpapasabog ng Iranian soldiers sa eroplano ng Ukraine, wow mali lang daw

Pabs Hernandez III
Jan 12, 2020
2 min read

ARMED FORCES NG IRAN, MGA NERBIYOSO—Inamin ng Iran gov’t. na ang armed forces nila ang bumira ng missile at nagpasabog ng Ukrainian airplane na ikinamatay ng 176 pasahero. Gayunman, paglilinaw nila, hindi raw ito sinadya kundi “human error” dahil inakala nilang war plane ito ng kalabang United States (U.S.) na aatake sa kanilang bansa.

Ganu’n? Ang akala ng buong mundo, matapang ang mga Iranian soldiers, eh, mga nerbiyoso pala ang mga ito. Isipin mo, sa sobrang kaba, pati ang eroplano na kinalululanan ng mga sibilyan ay tinarget nila, mga buwisit!

◘◘◘

PAGPALAG NI INDONESIAN PRES. WIDODO VS. CHINA, HINANGAAN NG MUNDO—Kamakailan ay ipinagtanggol ni Indonesian Pres. Joko Widodo ang kanilang teritoryo laban sa China kung saan ayon sa statement nito, “Natuna is part of Indonesia’s territory; there is no question, no doubt. There is no bargaining for our sovereignty.”

Sa pahayag ng Indonesian president ay nag-alsa-balutan o naobliga ang China na paatrasin ang kanilang puwersa sa inaangkin din nilang isla at karagatan ng Indonesia.

Kaya naman, dahil sa ipinakitang tapang ni Pres. Widodo laban sa China, hinangaan siya ng buong mundo.

‘Yan ang halimbawa ng magaling na lider, palakpakan naman d’yan!

◘◘◘

NPA PALA ANG TINUTUKOY NI P-DUTERTE, HINDI CHINA—Ayon sa speech ni P-Duterte sa Pigcawayan, Cotabato, “Don’t take my territory,” “You don’t have any territory.”

Aba, may ipinaglalaban din pala ang pangulo tungkol sa mga teritoryo na ‘yan.

Ooops, hindi China ang pinatutungkulan ni P-Duterte sa statement na ‘yan kundi ang New People’s Army (NPA)-Communist Party of the Philippines (CPP) na nagsasabing teritoryo raw nila ang mga bundok na sinasalakay ng AFP, boom!

◘◘◘

PHILIPPINE COAST GUARD CHIEF, NAG-ALA-SPOKESMAN NG CHINA—Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Chief Adm. Joel Garcia, walang katotohanan na may back-up na Chinese Coast Guard ang mga Chinese na nangingisda sa West Philippine Sea (WPS).

Imbes na pangunahan ni Adm. Garcia ang pagtataboy sa mga Chinese na nangingisda sa dagat ng Pilipinas dahil siya ang hepe ng PCG, aba, nagmimistula pa siyang spokesman ng China, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page