top of page
Pokwang.jpg

Nazareth-NU, palaban sa Ateneo ng UAAP JRS.

VA
Jan 12, 2020
1 min read

Nakatakdang ituloy ng league leader at wala pang talong Nazareth School of National University ang kanilang kampanya sa muling pagharap nila sa Ateneo de Manila sa pagbubukas ng 2nd round ng UAAP Season 82 Juniors Basketball Tournament ngayong araw na ito sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Magtatangka ang Bullpups na muling gapiin kung ‘di man duplikahin ang naiposteng 102-71 panalo nila kontra defending champion Blue Eaglets noong first round.

Ngayong 3 p.m. ang salpukan ng NU-Nazareth at Ateneo pagkatapos ng tapatan ng De La Salle Zobel at University of the Philippines Integrated School ng 1 p.m.

Mauuna rito, magtutunggali sa unang laban ng 9:00 a.m. ang 5th running University of Santo Tomas (3-4) at ang University of the East (2-5) bago ang tapatan ng second running Far Eastern University (6-1) at ng Adamson (4-3) ng 11 a.m. Kapwa tumapos at tabla sa 3rd place taglay ang parehas na barahang 4-3 noong first round ang Ateneo at Adamson.

Samantala sa unang laban ng inaugural UAAP Girls Basketball Tournament, dinurog ng Adamson ang 121-44. Umiskor si Andrea Sarmiento ng 17 puntos kasunod si Maxine Almeda na may 7 puntos at 11 rebounds at sina Audrey Medina at Nina Doctor na nagtala rin ng tig-7 puntos upang pamunuan ang Baby Falcons.

Sa ikalawang laro, pinadapa ng University of Santo Tomas ang De La Salle Zobel, 63-45. Pinamunuan ni Erica Danganan ang panalo ng Junior Tigresses sa itinalang 21 puntos, 9 rebounds, 6 assists, 4 steals at 2 blocks.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page