top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Fajardo, kasama pa rin sa miyembro ng Gilas

MC / Alvin Olivar
Jan 12, 2020
1 min read

Natuwa ang mga fans ni June Mar Fajardo nang sabihin ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na hindi ito tinanggal bilang miyembro ng Gilas Pilipinas.

Ang pangalan kasi ni PBA Most Valuable Player Fajardo ay hindi napabilang kahapon sa 24-man players na sasabak sa FIBA Asia Cup qualifiers na inanunsiyo nitong Biyernes. Sinabi SBP president Al S. Panlilio, na nais nilang makapagpahinga ng matagal ang beteranong Gilas player.

Kasama pa rin talaga si Fajardo at siya ang mangunguna na pipiliin para sa World Cup 2023. Mahalaga pa ring magagamit ng Gilas Pilipinas ang international experience ni Fajardo.

Nauna nang naglabas ang SBP Pilipinas at PBA ng listahan ng mga players na kasali sa national pool para sa first window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers. Binubuo ang 24-man pool ng PBA stars, mga parating na PBA rookies at kilalang mga collegiate player. Ilan sa mga stars na nakasama sa listahan ay sina Kobe Paras, Japeth Aguilar, Kiefer Ravena, Christian Standhardinger at CJ Perez.

Nagulat na lang ang marami na hindi kasama sa listahan ang 5-time MVP winner at many-time Gilas Pilipinas member na si Fajardo. Balik pool ang Gilas veteran sa si Marc Pingris na nakakarekober na sa kanyang injury.

Kasama rin ang mga rookie na sina Mike at Matt Nieto, Isaac Go, Rey Suerte at Allyn Bulanadi. Idaraos ang FIBA Asia Cup qualifiers sa Indonesia at Thailand sa Pebrero.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page