Anak nila ni Sharon, kailangan daw ng tulong… Hirit ni Gabby: Sariling ina pa ang nang-aabuso kay KC
- Beth Gelena
- Jan 12, 2020
- 2 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

May sagot si Gabby Concepcion sa open letter ng ex-wife niyang si Sharon Cuneta para sa anak nilang si KC Concepcion.
Ani Gabby sa kanyang Instagram account: “I’m happy that you feel peace but you need to help your daughter and keep her from her abuser which is her own mom @reallysharoncuneta @itskcconcepcion needs to be protected, help her.”
May binanggit pa ang aktor na, “Look at my post in my feed.”
Kahit hindi sila madalas nagkakasama ng kanyang daughter na si KC ay mayroon din namang bonding ang mag-ama. Siya ngayon ang shining armor na nagpoprotekta sa panganay na anak.
Ito ang matalinghagang post ni Gabby: “You’re not being selfish for wanting to be treated well. Remember that.”
“Choose battles wisely — some people love to fight: Don’t be some. Allow people to fight themselves. Suppress the need to argue. You don’t need to be right. You don’t need to prove anyone wrong. There is no value in living a life when you walk around attempting to prove people were wrong.”
Bandang huli, ang post ni Gabby ay, “The less you respond to negative people, the more peaceful your life will become.
“Happy are those who know it’s the little things that mean the most.”
Ang last post: “Unconditional love that’s not mean unconditional acceptance of bad behavior.”
Through cryptic words, ipinararamdam ni Gabby ang pagmamahal niya kay KC. Iniintindi niya kung anuman ngayon ang pinagdaraanan ng anak. Most of all, ibig niyang tumahimik na si Megastar sa paglalabas ng mga emotional messages para kay KC nang sa ganu’n ay hindi na maging circus ang buhay nilang mag-ina.
Ayon sa mga netizens, parang ipinahiya ni Sharon si KC sa paglalabas nito ng open letter para sa anak.
Sey ng netizen, “Ako, sermon nang sermon but hindi ko naman ipinahiya ang mga anak ko. Sa bahay lang talaga ako talak nang talak… Sa labas, very good talaga ang mga anak ko… What’s happening sa loob ng pamilya, stays sa pamilya.
“Matalak din ang nanay ko but in fairness, my nanay never talak-talak me in public or ipinapahiya.”
May nagbiro pang, “Gosh, thank God I’m not Sharon Cuneta’s daughter.”
Tama naman ang sinabi ng isang netizen na hindi nabibili ng pera ang kasiyahan ng isang tao.





Comments