top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

5 sa Swim ‘Pinas, kakampay sa Singapore series

  • MC
  • Jan 12, 2020
  • 2 min read

Limang miyembro ng Swimming Pinas Swim Club, sa pangunguna ni national junior record holder Jasmine Micaela Mojdeh, ang binigyan ng ayuda ng Philippine Swimming Inc. upang lumahok sa Singapore Swimming Series sa Enero 17-19 sa world-class OCBC Aquatic Center sa Lion City.

Makakasama ng 13-anyos na si Mojdeh, sina Hugh Antonio Parto – isa ring junior record holder, Marcus De Kam, Jordan Ken Lobos at Julia Ysabell Basa. Gagabayan sila ni coach Virgilio De Luna, habang team manager si Joan Mojdeh.

Sa sulat ni Philippine Swimming Inc. Lani Velasco na may petsang Enero 3, 2020, senertipikahan niya ang paglahok ng grupo sa torneo na isang FINA Graded 3.2 tournament.

Tinaguriang ‘Water Beast’ bunsod ng dominanteng kampanya sa local at international age-group competition, gayundin, sa Palarong Pambansa, apat na ulit na binasag ng pambato ng Brent International School ang girls 200m butterfly record sa nakalipas na taon, tampok ang 2:20.01 na naitala niya sa Hong Kong Open Swimming Championship.

Tangan din ni Mojdeh ang marka sa girls 100m butterfly na tatlong ulit niyang napalitan, tampok ang 1:03.90 sa 1st Philippine National Open Swimming Championship nitong Setyembre na ginamit bilang team selection para sa Philippine Team na isinabak sa 30th Southeast Asian Games.

Nanguna rin siya sa girls 200m Individual medley sa tiyempong 2:29.87 na naitala niya sa 10th Asian Age Group Swimming Championship sa India.

Nakuha ni Parto ang marka sa boys 200m butterfly sa tiyempong 2:18.76 sa 1st PH National Open Swimming Championships.

“Kasama na rin ito sa preparation nila para sa ASEAN age group competition na gagawin dito sa Manila. Kailangan talaga nilang lumaban abroad para sa exposure at masanay sa laban. Hindi maikakaila na may mga kaba ‘yang mga bata, pero once na ma-overcome nila ‘yang laban, tuloy-tuloy na,” pahayag ni Joan, co-founder ng Swim Pinas.

Samantala, tuloy ang grassroots program ng Swim ‘Pinas sa ilalargang 6th BEST Swim Challenge (8th SLP Series) Long Course Class AB, C-Motivational (Governor Danny Suarez Swim Cup 2020) sa Enero 11 (Sabado) sa Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF) sa Quezon province.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page