top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

‘Pinas, todo-higpit na sa airport.. Lolo sa China, patay sa misteryosong sakit

  • Gina Pleñago
  • Jan 12, 2020
  • 1 min read

Isa na ang kumpirmadong patay dahil sa pneumonia outbreak ng bagong uri ng coronavirus sa Wuhan, China.

Ayon sa Wuhan Municipal Health Commission, isang 61-anyos na lalaki ang namatay doon noong Enero 9, dahil sa nasabing kakaibang pneumonia. Pito naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Napag-alaman na 41 ang na-diagnosed ng bagong uri ng coronavirus sa Wuhan at karamihan sa kanila ay mga nagtitinda at mamimili sa isang seafood market.

Kaugnay nito, mas naghigpit ang scanning ng mga pasahero sa mga paliparan sa Pilipinas para maiwasan ang pagpasok ng naturang virus.

Nauna nang sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na walang bisa ang flu vaccine sa coronavirus at malabong makagawa ng bakuna kontra rito.

Ang tanging panlaban ng publiko ay pag-iingat at pagpapanatili ng kalinisan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page