top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Provincial auditor binaril, patay

V. Reyes
Jan 11, 2020
1 min read

Utas makaraang pagbabarilin ang auditor ng Commission on Audit (COA) sa Maguindanao habang nasa Bgy. Rosary Heights 7 sa Cotabato City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Guiaria Bagundang Akmad, 60.

Batay sa salaysay ng mister ng biktima na si Hadji Ali Akmad, galing sila ng opisina sa compound ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim

Mindanao (BARMM) at pauwi na para sa Friday prayer.

Gayunman, habang nasa kalsada sa likod ng mall sa lugar ay tinabihan ang kanilang sasakyan ng hindi pa kilalang mga suspek na lulan ng motorsiklo at

pinuntirya ang biktima.

Nagawa pa umano nitong bumunot ng baril at hinabol ang mga suspek ngunit, napansin nito ang isa pang motorsiklo na may sakay na dalawang suspek na nasa likuran ng kanilang sasakyan.

Bagama’t, naisugod pa sa ospital, hindi na rin umabot ng buhay ang biktima. Nagpapatuloy na ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen at sinisilip na rin ang mga kuha ng CCTV camera na nasa likurang bahagi ng mall.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page