PBA at amateur players, bubuuin sa 24-man ng Gilas

Magkahalong PBA players at amateur at collegiate standouts ang bumuo sa 24-man pool ng Gilas Pilipinas para sa unang window ng FIBA Asia Cup qualifiers na magsisimula sa Pebrero.
Inanunsiyo kahapon ng PBA ang mga kasapi ng pool na pinangungunahan nila PBA players Kiefer Ravena, Christian Standhardinger, Japeth Aguilar, Bobby Ray Parks, CJ Perez at ang beteranong si Marc Pingris, habang kasama rin sila Isaac Go, Matt Nieto, Mike Nieto, Rey Suerte at Allyn Bulanadi na napili sa special draft noong nakaraang taon.
Sina Thirdy Ravena, Kobe Paras, Juan Gomez De Liano at Dave Ildefonso naman ang bumuo sa mga amateur players na nakasama sa 24-man pool.
Kasama rin sa pool ang mga manlalaro mula sa PBA na si Poy Erram, Roger Pogoy, Mac Belo, Matthew Wright, Troy Rosario at ang mga college players na sina Jaydee Tungcab, Juan Gomez De Liano, Dwight Ramos at Justine Baltazar.
Sa mga miyembro ng pool pagpipilian kung sino ang makakasama sa final 12 para sa unang window ng 2021 FIBA Asia Cup kung saan makakaharap nila ang Thailand sa Pebrero 20 at Indonesia sa Pebrero 23.
Ang mga miyembro ng pool ay napagdesisyunan noong Huwebes sa PBA board meeting kung saan kasama si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio sa naturang pagpupulong. Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, hindi pa napagdedesisyunan ng SBP kung sino ang magiging interim coach ng Gilas Pilipinas para sa naturang dalawang laro ng kompetisyon.
Kapansin-pansin naman na wala sa listahan ng pool si June Mar Fajardo. Ang manlalaro ng San Miguel Beermen ay ang five-time PBA MVP na beterano na sa international competitions matapos maglaro ng dalawang FIBA Basketball World Cup.





Comments