Online sabong ng BFF ni Yorme na si Mr. Ang, lusot sa Maynila!
- Pabs Hernandez III
- Jan 11, 2020
- 2 min read
DUTERTE VS. MARCOS SA 2022 ELECTIONS?—Matapos pumutok ang balitang “Duterte-Duterte 2022” o pagta-tandem ng mag-amang Mayor Sara Duterte-Carpio (for president) at P-Duterte (for vice-president) ay nagdeklara naman si ex-Sen. “Bongbong” Marcos na sasabak ulit siya sa national position sa 2022 elections.
Sakaling matuloy ang “Duterte-Duterte 2022” at kapag pangulo naman ang tinakbuhan ni BBM, si Mayor Sara ang makakabangga niya at kung VP ang kanyang tatakbuhan, si P-Duterte naman ang makasasagupa niya.
Aba, kung sakali, magandang labanan ‘yan, Duterte vs. Marcos sa 2022, abangan!
****
KAPAG NAGBANGGAAN ANG DUTERTE AT MARCOS SA 2022, BAKA MAKABALIK SA PODER ANG DILAWAN?—Sa totoo lang, hindi dapat magbanggaan ang Duterte at Marcos sa 2022 elections kasi kung magsasanib-puwersa sila, halimbawa, Duterte-Marcos o Marcos-Duterte, malakas na tandem na ‘yan.
Pero kung matutuloy ang kanilang bakbakan, madedehado sila at baka ‘yung ayaw nilang mangyari ay mangyari na makabalik ang dilawan sa poder sa pamumuno ni VP Leni Robredo, boom!
****
DATING ONLINE SABONG, IPINATANGGAL NI ‘YORME’ PARA ONLINE SABONG NI ‘MR. ANG’ ANG MAKAPAG-OPERATE SA MAYNILA—Maraming humanga kay Mayor Isko Moreno nang ipagbawal nito noon ang operasyon ng online sabong ng isang alyas “Remo” sa Maynila, pero ang pagbabawal palang ito ni “Yorme” ay diskarte lang niya para ang pumalit na mag-operate ng ganitong uri ng sugal sa lungsod ay online sabong ng kaibigan niyang si alyas Mr. Ang.
At tulad ng dating operasyon ng online sabong ni “Remo”, ang online sabong ni “Mr. Ang” ay isinasabay din sa operasyon ng off-track horse racing sa iba’t ibang lugar sa Maynila.
‘Yan ang istayl ni “Yorme”, bulok!
****
ONLINE SABONG NI ‘REMO’ SA QC NI MAYOR JOY, KALAT NA!—Dahil hindi na makapag-operate sa Maynila, ang ginawa naman daw ni “Remo” ay sa Quezon City niya inilipat ang operasyon ng kanyang online sabong.
Ang tanong, may permiso kaya ni Mayor Joy Belmonte ang pagpapalaganap ni “Remo” ng kanyang online sabong sa QC? Abangan!





Comments