Malacañang, dedma lang sa kapalpakan ng mga pulis
NADAMAY agad ang Canada at Britain sa giyera nang bumagsak ang Ukrainian airplane. Masamang pangitain!
****
TINODAS at sinunog ang isang dating kongresista at dalawang iba pa sa Batangas. Epekto ng eleksiyon?
****
BINUWAG ng mga deboto ng imahen ng Black Nazarene ang makapal na hanay ng pulisya. Walang imposible kay Lord!
****
HINDI dapat nangingialam ang pulisya sa diskarte ng mga deboto. Trabaho lang nila ay magbantay sakaling may terorista pero wala silang pakialam kung paano magpuprusisyon!
****
ANG kahambugan at paghahari-harian ay masamang ugali ng pulisya. Dapat nilang bantayan ay ang mga mandurukot, holdaper, isnatser pero hindi kailanman, harangin ang mga deboto!
****
ANG maayos na prusisyon ay kredito mismo ng mga deboto at hindi ng pulisya. Trabaho ng pulis ay magbantay at manood lang at pigilin ang gulo. Kapag walang gulo, manahimik lang sila sa sulok!
****
MARAMI nang kalokohan ang mga pulis na ginagawa sa Metro Manila. Bakit kaya kinukunsinti ito ni P-Digong at ng DILG?
****
ISANG dahilan ng hindi maayos na performance ng pulisya ay ang kawalan ng lehitimong PNP chief. Dapat “hands-on” ang PNP chief na aktuwal na nag-ocular inspection tulad sa ginagawa dati ni three-star Gen. Guillermo Eleazar!
****
MULA nang mawala sa aktibong trabaho si Gen. Eleazar, puro na kabulastugan ang mga pulis.
May sapat pang panahon para maibalik sa matinong patakbo ang Pambansang Pulisya. Pero, bakit dedma lang ang Malacañang?





Comments