Express na, iwas-huli pa.. Delivery apps para sa drugs, buking!

Arestado ang dalawang lalaki at isang babae sa Parañaque, dahil sa pagtutulak umano ng party drugs.
Nakuha ng Philippine Drug Enforcement Agency ang 7 bote ng liquid ecstasy, mga tableta ng valium at mga pakete ng shabu sa buy-bust operation sa isang subdivision sa Parañaque.
Kinilala ni Dir. Levi Ortiz, ang mga suspek na sina Vincent Michael Arive Go Bon, 35; Ma. Karina Esperanza, 22, at Marc Giancarlo Evora Reyes, 24.
Ayon sa mga awtoridad, ipinadadala umano ng mga suspek ang droga gamit ang mga delivery apps na mas mabilis na, iwas-huli pa.
Nagbabala naman ang PDEA sa publiko, lalo na sa mga mahilig lumabas na mag-ingat sa pag-inom ng tubig lalo na kung hindi alam ang pinanggalingan nito.
Madalas umanong ipinapatak ang liquid ecstasy sa tubig dahil wala itong amoy at lasa kaya hindi napapansin.
Babala pa ng opisyal, ‘pag hindi kinaya ng katawan ang na-take na droga ay maaari itong ikamatay.





Comments