top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Ex-BF ng Pop Princess… Rayver, pupunta sa kasal nina Sarah at Matteo

Beth Gelena
Jan 11, 2020
1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Natanong si Rayver Cruz regarding sa kanyang ex-GF na si Sarah Geronimo kung pupunta raw ba siya kapag ikinasal na ang singer-actress sa long-time boyfriend nitong si Matteo Guidicelli.

Bago sinagot ni Rayver ang tanong ay binati muna niya si Matteo sa engagement nito kay Sarah, saka niya sinabing pupunta siya sa kasal kung makakatanggap ng imbitasyon mula sa celebrity couple.

Dagdag pa niya, wala nang awkwardness sa kanilang dalawa ng Pop Princess dahil ilang dekada na rin ang lumipas sa naging relasyon nila. Mga bata pa raw sila noon kaya marami na ring nabago sa kanilang buhay ngayong mga matured na sila.

Esplika ng Kapuso actor, “Hindi naman kailangang pag-usapan pero kinongrats ko siya.

“For sure, ii-invite rin ako, si Matt pa. Ang tagal-tagal na nu’ng ano, eh. ‘Pag in-invite ako ni Matt, a-attend ako…

“‘Pag nagkita kami ni Sarah, okay naman kami. Ang tagal na nu’n, ang babata pa namin.”

Si Rayver ay matagal namalagi sa Kapamilya Network na later on ay lumipat sa GMA-7. Ang girlfriend niya ngayon ay ang anak nina Monching Gutierrez at Lotlot de Leon na si Janine Gutierrez.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page