Ceres-Negros FC sa RMSC ng AFC League

Photo: foxsportsph
Sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon ay gaganapin sa Rizal Memorial Stadium ang laro ng three-time champion ng Philippines Football League na Ceres-Negros FC para sa qualifying round ng AFC Champions League.
Ito ay dahil dumaraan sa masinsinang renobasyon ang kabuuan ng Panaad Stadium bilang paghahanda sa 2021 Palarong Pambansa na gaganapin sa Bacolod City.
Karaniwang ginaganap sa City of Smiles ang mga laro at naturingan ng regular na tahanan ng Negros Strikers ang nasabing palaruan na dinadaluhan ng may 5,000 manonood, ngunit umaasa ang buong koponan na makukuha pa rin nila ang ganitong init ng pagtanggap sa pagdayo nila sa City Capital ng bansa.
“We’re all excited,” wika ni Spanish striker Bienvenido Marañon. “We are happy to play in Bacolod, but we’re also happy to play at Rizal Memorial,” dagdag ng top scorer ng AFC Cup nung isang taon na may 10 goals.
Nakatakdang sumabak sa darating na Martes, Enero 14 ang Pinoy booters laban sa Myanmar-League champion na Shan United bilang simula ng qualification round ng AFC Champions League. Sakaling manaig sila dito ay sunod na makakatapat nila sa second round ang Thai League 1 team Port FC, na kasalukuyang pinaglalaruan ng dating kapitan ng Ceres na si Martin Steuble.
Sakaling makalusot ito sa second-round ay haharapin naman nito ang Kashima Antlers ng Japan, samantalang hindi palarin sa group stage ay babagsak ito sa AFC Cup, ang ikalawang stage ng kompetisyon sa kontinente.





Comments