Bet mong maging healthy? Try mo ‘to!.. 4 new year‘s resolution na nakakapagpahaba ng buhay
- Justine Daguno
- Jan 11, 2020
- 2 min read

Ngayong Bagong Taon, karaniwan na sa marami ang paggawa ng New Year’s Resolution. Ito ay dahil sa paniniwalang kasabay ng Bagong Taon, dapat may bagong gawain o pagbabago rin tayong gagawin sa sarili.
‘Yung tipong, heto na naman tayo sa mga ‘pramis’ na magse-save na ng pera, gigising na nang maaga, iiwasan na ang bisyo, mag-e-exercise at iba pa. Well, ngayong taon, why not “healthy resolution” naman ang goal natin? Narito ang ilan sa mga puwede nating gawin para ma-achieve ang #livelonger at #feelingyounger:
1. MAG-ALAGA NG PET. Ayon sa pag-aaral, ang mga dog owners ay mas mababa ng 15% na tamaan ng cardiovascular disease kumpara sa mga non-dog owners. Ang mga alagang hayop ay naghahatid ng kakaibang saya na makatutulong upang maibsan ang pagkabalisa o anxiety. Nakatutulong din ito upang maiwasan ang anumang sakit sa puso at pagkontrol ng blood pressure at cholesterol level.
2. MAG-SELFIE MONTHLY. Hindi ito tulad ng nakasanayan nating selfie o self-expression na madalas ipino-post sa social media. Ayon sa Skin Cancer Foundation, umabot sa 9,000 ang namamatay dahil sa melanoma, sakit sa balat na karaniwang hindi na-papansin pero hindi dapat dinededma.
Ang objective ng buwanang selfie ay para madali nating ma-monitor ang ating katawan kung merong mga pagbabago na nangyari tulad ng pagkakaroon ng mga nunal o pagbabago ng balat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na noon ay wala naman.
3. PAG-INOM NG GREEN TEA. Mahigit 40, 000 Japanese adults na may edad na 40 hanggang 79 ang sinasabing regular na umiinom ng green tea kung saan ang mga ito ay hindi nagkaroon ng anumang sakit sa puso at stroke.
Ayon sa research, ang mga tao na umiinom ng limang teacups o higit pa ng
green tea ay malayong magkaroon ng problema sa puso.
4. BAWASAN ANG TIME SA SOCIAL MEDIA. Hangga’t maaari, bawasan ang panahon sa paggamit ng social media o gadgets. Sapat na ang oras ng paggamit nito habang nasa opisina o paggawa ng school-related activities.
Malaki ang epekto sa kalusugan ng sobrang paggamit ng modernong teknolohiya hindi lamang sa pisikal na aspeto kundi maging sa emotional at mental aspects.
Ang payo ng mga eksperto, kung hindi maiiwasan ang paggamit nito, makabubuti kung lilimitahan na lamang.
Minsan, awkward o mahirap talaga sa umpisa ang mga bagay na may magandang benepisyo sa sarili, pero huwag tayong matakot na gawin ang bagay na hindi natin nakasanayang gawin. Sabi nga nila, kung gusto natin ng pagbabago, dapat itong simulan sa sarili.
Okidoki?





Comments