Para sa mga titser, nurse iba pang gov’t. employees.. Dagdag-sahod, aprub na
- Mylene Alfonso
- Jan 10, 2020
- 1 min read

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magbibigay ng panibagong bugso para sa dagdag-sahod ng mga kawani ng pamahalaan.
“The Palace confirms that President Rodrigo Roa Duterte signed the “Salary Standardization Law of 2019,” which he earlier certified as urgent, thereby granting a salary increase to government workers, in four tranches, effective Fiscal Year 2020 to Fiscal Year 2023,” ani Panelo.
Nasa 1.4 milyong mga government employees ang makabebenepisyo sa nilagdaang Salary Standardization Law of 2019 ni Pangulong Duterte.
Itinatakda ng batas na magkakaroon ng apat na tranches ang pagbibigay ng salary increase sa mga empleyado na magsisimula ngayong Enero 2020 hanggang 2023.
Kabuuang P34.2 bilyon ang inilaang pondo ngayong 2020 para maitawid ang unang tranche ng pay hike para sa mga government employee.
Pinakamakikinabang sa SSL-5 ang mga nasa Salary Grade 10 hanggang Salary Grade 15 pababa kung saan mabibigyan ito ng 20% hanggang 30% increase habang ang mga nasa Salary Grade 23 to 33 ay magkakaroon naman ng umento sa sahod ng hanggang walong porsiyento.
Dahil dito, umaasa ang Palasyo na sa pamamagitan ng dagdag-sahod ay lalo pang magsisipag ang mga kawani ng gobyerno upang mas lalong pagbutihin ang kanilang pagsisilbi sa publiko.
Ang SSL-5 ay isa sa mga priority bill na iniakda ni Senador Christopher “Bong” Go sa ilalim ng Senate Bill No. 1219 na inihain nito sa unang linggo pa lamang ng kanyang pag-upo sa Senado.





Comments