top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

P-Digong, umaming sakit ng ulo ang mga pulis dahil mga korup

  • Pabs Hernandez III
  • Jan 10, 2020
  • 2 min read

GOOD AT BAD ANG MGA PARAK SA SURVEY NG SWS — Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Sept. 2019, lumabas na mayoryang Pinoy ang satisfied sa “war on drugs” ng Philippine National Police (PNP). Samantalang, sa survey naman ng SWS nitong Enero 7, 2020, mayoryang Pinoy ang naniniwala na maraming pulis ang “ninja cops” o sangkot sa ilegal na droga.

Ang gulo namang maglabas ng survey ang SWS, sa isa nilang survey, good ang PNP kasi satisfied ang publiko sa performance ng mga pulis sa “war on drugs”, tapos sa isa pa nilang survey, bad na ang PNP dahil sangkaterba raw ang “ninja cops”, boom!

◘◘◘

INAMIN MISMO NI P-DUTERTE NA SAKIT SA ULO ANG PNP — Ayon mismo kay P-Duterte, sakit sa ulo ang mga pulis sa sinumang administrasyon kaya inatasan niya si DILG Sec. Eduardo Año na linisin sa korupsiyon ang PNP.

May punto si P-Duterte sa sinabi niya kasi bukod sa “ninja cops” o mga pulis na sangkot sa ilegal na droga, sangkaterba rin ang mga “tongpats collector cop” o mga parak na nanghihingi ng payola sa mga ilegalista, period!

◘◘◘

4 NA PULIS SA EPD, IMBES NA MAGLINGKOD SA MAMAMAYAN, ‘TONGPATS’ ANG INAATUPAG — Isa sa mga himpilan ng pulisya na dapat linisin ni Sec. Año sa korupsiyon ay ang Eastern Police District (EPD). May apat daw na scalawag na parak dito na kilala sa mga alyas na “Laksa”, “Makoy”, “Marlon” at “Sablay” ang imbes na maglingkod sa mamamayan, manghingi ng payola sa mga ilegalista ang inaatupag.

Simple lang ang dapat gawin ni Sec. Año, utusan niya si EPD Director Gen. Johnson Almazan na ilagay na lang sa Mindanao ang apat na scalawag para ipanlaban sa mga Abu Sayyaf, boom!

◘◘◘

SA 17, 000 BAGONG PARAK NA KAILANGAN NG PNP, ILAN KAYA ANG MAGIGING SCALAWAG? — Ayon kay PNP-OIC Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa, nangangailangan daw ang PNP ngayon ng karagdagang 17,000 pulis.

Ang dami, ha? Sa 17,000 karagdagang pulis, ilan kaya ang magiging scalawag sa mga ‘yan? Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page