top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

2020 Int’l Gamefowl Fest sa SMX ngayon na

  • MC
  • Jan 10, 2020
  • 1 min read

Photo: International Gamefowl Festival

Ang pinakamalaking kaganapan para sa mga nagpapalahi ng manok-panabong sa taon ito ay magaganap sa SMX Convention Centre sa Enero 10, 11 & 12 sa paglalatag ng pinakahihintay na 2020 International Gamefowl Festival na inaasahan ang pagdalo ng mga mananabong mula sa Vietnam, Cambodia, Guam, Saipan at America. Sa pagtataguyod ng nangungunang gamefowl feeds at vetmed company, Thunderbird, bilang pinakamalaking sponsor at exhibitor, ang mga bibisita ay tiyak na makakabili ng mga matataas na kalidad na manok-panabong lalo na kung pang-breeding ang kailangan nila.

Nakatakdang lumahok at magdadadala ng kanilang mga signature bloodlines ng mga tinale para sa mga bago at papasikat na mga breeder ng manok-panabong ay sina Sonny Lagon (Blue Blade Gamefarm); Larry Wacnang, Eddiebong Plaza (EP Roosterville), Nene Abello, Paolo Malvar (Sunhaven), Raffy Campos & Edwin Arañez (RED Gamefarm), Rey Briones, Joey Sy, Kano Raya, Boy Tanyag, Manny Dalipe, Hermin Teves, Marcu del Rosario, Bebot Monsanto, Tan Brothers, Baham Mitra, Dennis de Asis, Bentoy Sy, Joe Laureño, Celzo Brothers, Alvin Ong at marami pang iba. Maraming palaro at sorpresa na kapapalooban ng maraming premyo at mga libreng produkto ang naghihintay sa mga darating.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page