top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

2 misis na pasyente, kumanta.. Faith healer na vlogger, rapist!

Janice Baricuatro
Jan 10, 2020
1 min read

Inaresto ng Naic Police ang sikat na faith healer na vlogger matapos ireklamo ng dalawang misis na naging kliyente nito na umano’y pinaghihipuan nito at ginahasa habang ginagamot, kamakalawa ng hapon sa Naic Cavite.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Arturo Solon, nasa hustong gulang at kilalang albularyong vlogger.

Sa nakalap na ulat mula sa Naic Police, inaresto nila ang suspek matapos dumulog sa kanilang himpilan ang dalawang babae na nagpagamot sa suspek hinggil sa umano’y pinaghihipuan ito at ginahasa pa ng suspek.

Sa salaysay ng dalawang biktima na itinago sa mga pangalang Ellen at Mean, kapwa nasa hustong gulang, nagtungo sila sa suspek upang magpagamot hinggil sa kinukulam umano ang mga ito.

Nang sinimulan ang panggagamot, ang unang biktima ay pinaghihipuan umano ng suspek sa maseselang bahagi ng katawan habang ang isa ay tuluyan na nitong ginahasa.

Nabatid na tila nawala umano sila sa sarili habang sila ay ginagamot ng suspek at sunud-sunuran lamang sila sa suspek kahit na ano ang sabihin nito. At nang matapos ang gamutan ay pinauwi na sila ng suspek at nang mahimasmasan ay dito umano nila naisip ang ginawa ng suspek kaya isa sa biktima ang nagsumbong sa kanyang asawa kaya agad na nagtungo sa pulisya ang mga ito.

Itinanggi ito ng suspek at aniya ang kanyang ginawa ay bahagi lamang ng panggagamot at itinanggi rin nito na nanggahasa siya ng kanyang pasyente.

Ang suspek ay kilalang albularyo at vlogger kung saan ang lahat ng kanyang panggagamot ay naka-video at naka-post sa kanyang Facebook account.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page