Magnitude 4.4.. Sarangani nilindol
- BRT
- Jan 9, 2020
- 1 min read

Tumama ang Magnitude 4.4 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental, kahapon ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 50 kilometers southwest ng nasabing bayan alas-12:11 ng tanghali.
Tectonic ang dahilan ng lindol at may lalim na 15 kilometers. Kaugnay nito, naramdaman ang Intensity 2 sa Sarangani, Davao Occidental. Instrumental Intensity 1 naman ang naitala sa General Santos City at
Malungon, Sarangani.
Walang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.





Comments