top of page
Pokwang.jpg

P-Digong kay Leni: Maging Presidente ka muna!

Pabs Hernandez III
Jan 9, 2020
1 min read

NAGKAKAINITAN NA ANG U.S. AT IRAN, SOCIAL MEDIA PA RIN ANG INAATUPAG NI DFA SEC. LOCSIN—Dapat siguro ay sibakin na ni P-Duterte si DFA Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin, Jr. kasi imbes na unahin ang kaligtasan ng mga OFWs sa Iran at Iraq, pagtu-tweet lang sa social media ang inaatupag nito.

Mantakin n’yo, alam nang nagkakainitan ang United States (U.S.) at Iran, pero ang tweet lang ni Sec. Locsin noong Jan. 4, wala raw plano ang gobyerno na i-evacuate ang mga Pinoy sa Iran at Iraq.

Ngayon, kung kailan inaatake na ng Iran ang mga base ng U.S. sa Iraq at saka lang nagkukumahog ang DFA sa panawagang lisanin na ng mga OFWs ang mga bansang ito sa Middle East, tsk-tsk-tsk!

****

TIRADA NI P-DUTERTE, MAGING PANGULO MUNA SI VP LENI KUNG GUSTO NIYANG ALISIN ANG ICAD SA PDEA—Isa sa mga ikinagalit ni P-Duterte kay VP Leni ay nang payuhan siya nitong alisin sa PDEA ang chairmanship ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) at ilipat ito sa Dangerous Drugs Board (DDB) dahil ayon sa pangulo, ayaw daw niyang siya ay tinuturuan ng bise-presidente.

Tirada ni P-Duterte, kung ‘yan daw ang gustong mangyari ni VP Leni, dapat maging pangulo muna ito, boom!

****

“HEAVYWEIGHT” NA SI GEN. SINAS, ‘PINASARINGAN’ NI GEN. GAMBOA?—Nanawagan si PNP-OIC Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa sa mga matatabang pulis na magbawas ng timbang.

Hindi kaya ang “heavyweight” na kandidato rin sa pagka-PNP chief na si NCRPO Director Gen. Debold Sinas ang pinasaringan dito ni Gen. Gamboa? Joke-joke-joke!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page