top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Maagang pagbubuntis, malaking dahilan ng pagtigil sa pag-aaral ng kabataan

Kuya Win Gatchalian
Jan 9, 2020
2 min read

Noon pa man, nagiging biruan na sa ating lipunan kung sino ang mas matalino at mas magaling sa silid-aralan — ang mga babae o mga lalaki?

Alam n’yo ba na ipinakita sa pinakahuling pandaigdigang pag-aaral na Programme for International Student Assessment (PISA) na mas magaling ang mga babaeng estudyante kumpara sa mga lalaki pagdating sa ilang pangunahing paksa sa eskuwelahan?

Ayon sa ulat ng PISA noong 2018, 27 puntos ang lamang ng mga babae sa lalaki sa Reading Comprehension.

Pagdating naman sa Math, 12 puntos na mas mataas ang nakuha ng mga babaeng estudyante kumpara sa mga lalaki, habang 4 puntos ang itinaas nila sa mga lalaki sa Science.

Hindi lamang sa Pilipinas laganap ang malaking pagkakaibang ito ng dalawang kasarian pagdating sa edukasyon.

Ayon sa Global Gender Gap Report 2020 ng World Economic Forum (WEF) ang patuloy na pagkakaroon ng tinatawag na gender inequality pagdating sa iba’t ibang paksa sa pag-aaral ng mga kabataan.

Ngunit, habang mahalaga ang pagtutok sa hindi pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaking mag-aaral sa iba’t ibang aspeto, ganundin tayo kapursigido na pagtuunan ng pansin ang kapakanan ng mga kabataang

Pinoy — lalo na ang kababaihan laban sa maagang pagbubuntis.

Hangad natin ang matinding pagpapalakas ng mga polisiya at panukala upang maibsan ang suliraning ito.

Lubos lamang na nakalulungkot dahil isa ang maagang pagbubuntis sa pangunahing dahilan kung bakit hindi pumapasok ang ibang estudyante sa paaralan.

Nakasaad sa Annual Poverty Indicators Survey 2017 ng Philippine Statistics Authority (PSA) na “marriage or family matters” ang nangunguna sa listahan ng mga dahilan kaya humihinto sa pag-aaral ang mga babae na may edad 16 hanggang 24.

Iniulat pa ng PSA ang 2017 National Demographic and Health Survey (NDHS) na nagsasabing siyam na porsiyento sa 4.9 milyong kabataang kababaihan mula 15 hanggang 19 taong gulang ang nagsisimula nang manganak.

Sa paghahangad nating mabigyan ng pantay-pantay na oportunidad sa edukasyon ang kabataan, mahalaga na matukoy natin ang mga hadlang para makamit natin ang layuning ito.

Sa kaso ng mga batang babae, nakikita natin na ang maagang pagbubuntis ang isa sa mga isyung kailangan nating tutukan bilang chairman ng Committee on Basic Education, Arts and Culture sa Senado.

Naniniwala tayong ang pagtataguyod ng gender equality sa sektor ng edukasyon ay nakatuon sa layunin na makamit ng mga kabataan ang magagandang oportunidad sa pag-aaral at mga kasanayan na kanilang madadala hanggang sila ay maging propesyunal na.

Kaya naman, dapat lamang nating labanan ang maagang pagbubuntis dahil pinagkakaitan nito ang maraming kabataan ng magandang kinabukasan.

May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City o mag-email sa surewin.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page