top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kelot nakuryente sa street light, patay

  • V. Reyes
  • Jan 9, 2020
  • 1 min read

Nangisay hanggang sa mamatay ang isang construction worker nang mahawakan ang street light sa Atimonan, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Albert Liop, 34, residente ng Bgy. Angeles.

Ayon sa imbestigasyon, pauwi na ang biktima bandang alas-9:00 ng gabi nang aksidente nitong mahawakan ang buhay na kawad ng kuryente na nag-uugnay sa street lightning system sa barangay.

Bagama’t, agad na naisugod sa Doña Martha Memorial District Hospital ang biktima, hindi na rin ito umabot ng buhay.

Patuloy nang inaalam ng mga awtoridad kung sino ang may pananagutan sa pangyayari.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page