top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Hirit ni VP Leni na palpak ang drug war ni P-Digong, unfair sa mga pulis

Isko Moreno
Jan 9, 2020
1 min read

Gusto lang nating ilagay sa tamang konteksto ang naging pahayag natin kahapon na unfair naman sa enforcement unit natin na inilalagay ang sariling buhay sa panganib ang sinabi ni VP Leni Robredo na “massive failure” ang drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Umani ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga kababayan natin, partikular sa mga tagasuporta ng nakaraang administrasyon.

Isang paglilinaw, bagama’t iginagalang natin ang opinyon ng ating pangalawang pangulo, ang tanging sinabi ko lang ay tila ‘unfair’ ito sa ating law enforcement agencies na patuloy na lumalaban at inilalagay sa panganib ang kanilang sarili upang labanan ang suliraning ito ng ating bansa.

Hindi natin sinabing unfair si Vice-President Leni Robredo, karapatan niyang ihayag ang kanyang opinyon at tayo naman ay nagpahayag lang din ng sariling opinyon tungkol sa bagay na ito.

Alam nating may pinagbasehan si VP Leni sa kanyang mga pahayag at tayo naman ay naniniwala sa tinatawag nating "presumption of regularity” sa law enforcement agencies.

Hindi perpekto ang giyera kontra sa droga at marami na rin tayong nakitang umabuso at patuloy na nililitis ang ilan sa mga abusadong pulis. Ngunit, marami sa ating mga kababayan ang naniniwala at patuloy na sumusuporta sa kampanyang ito kaya kailangan ng tulong ng bawat isa upang matuldukan na ang problema.

Wala tayong balak makipag-away sa mga halal na opisyal, masyado nang maraming problema ang lungsod.

Demokrasya ang tawag sa ganito, hindi pakikipag-away.

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ISKOr ni Isko Moreno, BULGAR Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa iskor@bulgar.com.ph

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page