Grizzlies, nagpasikat uli; Davis, lumagapak, injured!

Dumagdag si Ja Morant ng 25 points at seven assists nang itala ng Grizzlies ang season best para sa ikatlong sunod na panalo. Nagtala si Jaren Jackson Jr. ng 21 points, seven rebounds at three blocked shots habang si Jae Crowder ay may nagawang 14 points, eight rebounds at may high of five steals sa Memphis.
Samantala, umiskor si Rookie Jarrett Culver ng season-high 24 points habang si Jeff Teague ay dumagdag ng 18 para sa Minnesota. Si Robert Covington ay may 17 points, may 15 si Andrew Wiggins, kumana si Gorgui Dieng ng 11 at si reserve Naz Reid ay may 10 para sa Timberwolves.
Hindi nakalaro si Minnesota center Karl-Anthony Towns dahil sa knee injury sa ika- 11 straight contest ng koponan.
Samantala, masama ang naging pagbagsak sa sahig ni Los Angeles Lakers star Anthony Davis, lumagutok ang butok nito sa ibaba ng kanyang likuran sa dakong 3rd quarter ng laban sa kanilang home game kontra New York Knicks.
Negatibo naman ang lumabas sa X-rays pero plano pang isailalim sa iba pang uri ng test si Davis, ayon kay coach Frank Vogel.
Iniulat ng ESPN na inaasahang mananatili sa rehabilitation center si Davis habang nasa two-game road trip game ang Lakers sa Dallas sa Sabado at sa Oklahoma City sa Linggo, bagamat wala pang anunsiyo hinggil sa kalagayan niya ang team.
Bumagsak si Davis nang tangka niyang depensahan ang pag-drive ni Julius Randle pero nawalan siya ng balanse. Naunang bumagsak ang kanyang likod at matagal bago siya nailabas ng court na paika-ika ang paglakad.





Comments