Eroplano bumagsak sa Iran, 176 patay
- BRT
- Jan 9, 2020
- 1 min read

Nasawi ang lahat ng sakay ng Ukrainian plane makaraang bumagsak malapit sa isang paliparan sa Tehran, Iran.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, aabot sa 176 pasahero at crew members ang lulan ng eroplano kung saan karamihan ay Iranian.
Batay sa ulat, nag-crashed ang Boeing 737-800 jet matapos mag-takeoff sa Imam Khomeini International Airport. Ayon sa mga awtoridad, posibleng mechanical problem ang sanhi ng insidente.
Gayunman, patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.





Comments