Bawas-singil sa kuryente ngayong Enero
- V. Reyes
- Jan 9, 2020
- 1 min read

Asahan na ang bahagyang pagbaba sa singil sa kuryente ng mga konsiyumer ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Enero.
Inianunsiyo ng Meralco ang pagbawas ng P0.41 kada kilowatt hour sa singil nito na mararamdaman ngayong January bill ng kanilang mga kostumer. Mas mura umano ang binayaran sa kinontratang kuryente at outage allowance na karaniwang pumapatak sa buwan ng Enero.
Ang bawas-singil ay katumbas ng P82 na bawas para sa mga bahay may buwanang konsumo na 200 per kilowatt hour, P123 sa 300 kWh, P147 sa 400 kWh at P205 sa 500 kWh.
Noong Disyembre, nagtaas ang Meralco ng P0.3044 per kilowatt hour sa singil ng kanilang kuryente. Nangahulugan ito ng P61 dagdag sa buwanang bill para sa mga kumukonsumo ng 200 kWh; P91.32 sa 300 kWh at P121.76 sa 400 kWh.





Comments