top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Basilan pinatahimik ang Pasig sa OT; Muntinlupa nanalo

  • MC
  • Jan 9, 2020
  • 1 min read

Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League

Pinatunayan ng Basilan Steel na matibay sila sa homestretch at tilarin ang Pasig Sta. Lucia Realtors, 89-83, sa overtime game noong Martes ng gabi sa Chooks-to-Go/Maharlika Pilipinas Basketball League sa Bulacan Capitol Gymnasium.

Napuwersa sa extension ang laban nang magsalpak si Robbie Manalang ng tres puntos, 74-74, at inasahan din ng Steel si Dennis Daa at Hesed Gabo upang umangat sa fourth spot ng South division na may 16-9 record.

Nakagawa si Daa ng dalawang free throws habang si Gabo ay nagsalpak ng triple, 88-82, sa nalalabing 41 segundo para sa Jumbo Plastics-supported Steel, na humalibas ng 19 points mula kay Jerald Bautista at 15 kay Gab Dagangon.

Bumanat si 6-foot-5 Daa ng 13 puntos at 8 rebounds, tumapos si Gabo ng 12 points plus 8 assists, habang may binakas na 12 puntos si Jonathan Uyloan, 8 rebounds at 6 assists na ikinatuwa ni coach Jerson Cabiltes.

Nakapagtala ang Realtors ng 14-10 at nasa seventh spot ng North division sa kabila ng 22-point, 10-rebound output ni Leo Najorda t 23-point, 9-rebound ni Jeric Teng. Nagtapos na may 10 puntos si Manalang tulad nina Josan Nimes at Alfonso Gotladera na may 13 rebounds.Nakalamang pa ang Muntinlupa

Cagers ng 12 points sa fourth quarter kontra Imus Bandera, 90-66.

Nahirapan muna ang Bulacan Kuyas sa laro laban sa cellar-dweller Socsargen Marlins bago nakapagwagi, 76 -69 at palawigin ang kanilang win run sa apat sa huling yugto ng laro.

Naglaro kagabi ang MPBL sa Cuneta Astrodome kung saan nakalaban ng Marikina ang Bacoor ng 4:15 p.m. ang Cebu City laban sa Quezon City ng 6:45 p.m. kasunod ng General Santos City-Pasay encounter ng 8:45 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page