Sa giyera sa Iran.. P-Duterte, Hindi malayong kumampi sa US
- Mylene Alfonso
- Jan 8, 2020
- 1 min read

Hindi malayong kumampi si Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos sakaling masaktan ang mga Pilipino sa Gitnang Silangan dahil sa pagtaas ng tensiyon sa pagitan ng US at Iran.
“Hindi tayo magiging neutral. The president was very specific in saying last night that if the Filipinos are harmed,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Palasyo.
“If they will harm the Filipinos, then the president will not sit down idly and watch,” sabi ni Panelo.
Ayon kay Panelo, nag-aalala ang pangulo na maaaring saktan ng ilang mga Iranian ang mga Pilipino na nagtatrabaho roon dahil ang Pilipinas ay kilala bilang isang malapit na kaalyado ng militar ng Estados Unidos.
“We’re supposedly allied with the Americans, and ‘yung enemies (Iranians) might also attack not only the Americans but also the allies of the Americans,” paliwanag ni Panelo.
Nang tanungin naman si Panelo kung may pagbabago sa foreign policy, sabi ng opisyal: “Hindi naman. Ang sinasabi lang ng presidente huwag n’yong idamay ang aking mga kababayan d’yan.”
Nabatid na ang Pilipinas ay may Mutual Defense Treaty sa Estados Unidos, na nagsasaad na ang parehong mga bansa ay tutulong sa bawat isa kapag ang isa sa kanila ay inatake ng ibang dayuhang bansa.





Comments