Pagbabago sa Maynila, ‘wag katakutan
- Isko Moreno
- Jan 8, 2020
- 1 min read

Maaaring hindi nagustuhan ng ilan ang pagbabagong nagaganap sa lungsod ngunit, wala tayong dapat ikatakot sapagkat ang lahat ng ito ay para sa ikabubuti natin at sa mga susunod pang henerasyon.
Sa ating paglilingkod, maraming pagbabagong ginagawa at gagawin. At sa pagbabagong ito, minsan, hindi tayo komportable, pero wala tayong masamang intensiyon.
Ang nais natin ay magsaayos — gawing malinis, maaliwalas at mapanatag ang mga taga-Lungsod ng Maynila at ang mga dumadayo rito.
Tulad ng sabi sa isang kanta ng Pinoy rapper na si Bugoy, “pangarap mo ay maliit kapag hindi ka kinabahan.”
Kaya naman, mga kababayan, huwag tayong mabahala sa mga pagbabagong nagaganap sapagkat ang pagharap sa pagbabago ay daan sa pag-angat at pag-unlad.
◘◘◘
Ngayong nagsisimula na ang taon, nais nating magpasalamat dahil sa pagkakataong ibinigay ng mamamayan ng Maynila upang maging bahagi tayo ng kanilang buhay.
Utang natin ang lahat sa mga Manilenyo kaya pinagbubuti natin ang pagseserbisyo sapagkat karapatan ng mga ito ang magtamasa ng maayos na lipunan.
Magiging tapat ang inyong lingkod at asahan ninyo ang pagbabagong gagawin para sa mga taga-lungsod.
Patuloy tayong magtiwala at suportahan natin ang pamahalaan sa pamamagitan ng pakikiisa sa pagsasaayos ng lungsod!
Manila, God first!
May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ISKOr ni Isko Moreno, BULGAR Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa iskor@bulgar.com.ph





Comments