P50 k multa sa paggamit ng mga kagamitang hindi aprub sa DOLE
Dear Chief Acosta, Nais kong malaman kung magkano ang multa kapag ang mga kagamitan ng employer, contractor o subcontractor sa trabaho ay hindi aprubado o sertipikado ng Department of Labor and Employment (DOLE)? — Lelong
Dear Lelong, Para sa inyong kaalaman, ang inyong suliranin ay tinatalakay sa Department Order No. 198, Series of 2018 o Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 11058 entitled “An act strengthening compliance with occupational safety and health standards and providing penalties for violations thereof”. Nabanggit sa Section 29 ng nasabing batas na:
“Section 29. Prohibited Acts and its Corresponding Penalties. – Any willful failure or refusal of an employer, contractor or subcontractor to comply with the following OSH standards below or with a compliance order issued by the Secretary of Labor and Employment or his/her authorized representative shall be penalized of the administrative fines as follows:
Use of approved or certified devices and equipment for the task ± 50, 000 [...]” Samakatwid, malinaw sa nabanggit na probisyon ng nasabing batas na ang multa sa paggamit ng mga kagamitan na hindi aprubado o sertipikado ng DOLE ay P50,000.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments