top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga alahas, ID at ATM cards tinangay.. Cong., nadale ng basag-kotse sa mall

  • V. Reyes
  • Jan 8, 2020
  • 1 min read

Binasag ang salamin ng kotse at tinangay ang mahahalagang gamit sa loob ng sasakyan ng isang kongresista sa mall na nasa Aurora Boulevard, New Manila, Quezon City, kamakalawa.

Nabatid mula sa Quezon City Police District na nakaparada sa parking lot ng SM City Sta. Mesa ang kotse ni Anti-Crime and Terrorism through Community Involvement and Support (ACT-CIS) Partylist Representative Rowena ‘Niña’ Taduran nang ma-ransack at pagnakawan ito.

Nabatid na kumakain sa loob ng mall ang anak ni Taduran at ang drayber nito habang hinihintay siya na makabalik mula sa pagdalo sa ceremonial signing ng 2020 National Budget sa Malacañang.

Bandang alas-4:00 ng hapon nang pabalik na sa sasakyan ang anak ng kongresista ay nakita nitong basag ang bintana sa upuan sa likod ng driver’s seat at nawawala na rin ang mga gamit.

Sinabi ni Taduran na walang security guard na nagpapatrulya sa parking area at wala ring mga CCTV camera.

Ilan sa mga personal na gamit na nawala sa mambabatas ay ang kanyang cellphone, laptop na in-issue ng House of Representatives, mga alahas, mahahalagang ID at ATM cards.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga hinihinalang miyembro ng basag-kotse at kung ano ang pananagutan ng establisimyento sa nangyari.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page