Facing Dixie vs. Spunk Attack sa race 6

Pukpukan ang magiging labanan ngayong gabi sa bibitawan na 7 karera sa Santa Ana Leisure Park, Naic, Cavite.
Balikatan ang magiging laban sa Additional One Win in Group Races kasabay ng Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 na paglalabanan sa Condition Races at Group Races Merged (9-10).
Magaganap din ang Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six. Sa Race 1 umpisa ng 1st WTA balikatan ang magiging labanan na mga kalahok Minalim, Isla de Zap, Blue Sapphire at Heaven Strikes.
Sa Race 2, nakalalamang ang Probinsiyano, habang magsisilbing banta ang Fort McKinley, Tool of Choice at Sunshot na simula ng Pick 6.
Sa Race 3 ng Condition Race 21 nakalalamang ang kalahok na Constitution laban sa mga kalahok na Warrior Heart, couple entry na Believable at Pilya, A
Song for Gee, Olympic Gold at Oakhill Princess umpisa ng Pick 5, na paglalabanan ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six.
Magsisimula ang Pick 4 sa Race 4 na paglalabanan ng Sunny Side, All Heart, Gee’s Prize at Alezzandro kasabay ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super
Six. Sa Race 5, nakalalamang ang couple entry na Heritage at Blue Mist laban sa Smart Tyler, Shalom at Big Big Brown.
Sa Race 6, magkakalaban ang couple entry Spunk Attack at Rhaegal at Facing Dixie, isama ang Iniki Runner at Hardliner sa Trifecta at Quartet.
Sa Race 7, ipinapatok ang Run em Down habang isama ang couple entry na Wessfacckol at Go Tango, Stark, Sunday Surprise sa Forecast, Trifecta, Quartet at Pentafecta.





Comments