top of page
Pokwang.jpg

Drug lords, kasabwat ang mga smugglers sa customs, droga sa 'Pinas, tuloy!

Pabs Hernandez III
Jan 8, 2020
2 min read

P-DUTERTE, KAKAMPIHAN ANG U.S. KAPAG MAY NADAMAY NA PINOY SA MIDDLE EAST—Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, binalaan ni P-Duterte ang gobyerno ng Iran at Iraq na huwag idadamay ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa sigalot sa Amerika dahil kapag may nadisgrasyang Pinoy, posibleng pumanig ang Pilipinas sa United States.

Dapat ingatan ng mga lider ng Iran at Iraq ang mga OFWs kasi kapag may nadisgrasyang Pinoy, bukod sa makakatikim sila ng malulutong na mura ay baka tuluyan nang kampihan ni P-Duterte ang Estados Unidos, period!

◘◘◘

HINDI LANG SI VP LENI ANG NAGSABING SABLAY ANG ‘DRUG WAR’ DAHIL AMINADO RIN DITO SI P-DUTERTE—Hindi lang dapat kay VP Leni Robredo magalit ang mga DDS sa sinabi nitong sablay ang drug war ng gobyernong Duterte. Matatandaang, noong April 4, 2019 ay inamin din mismo ni P-Duterte sa taumbayan na palpak ang “war on drugs” ng kasalukuyang administrasyon dahil patuloy pa rin ang pagpasok ng ilegal na droga sa bansa.

‘Yan ang hirap sa mga DDS, kapag si VP Leni ang nagsabing sablay ang drug war, eh, umuusok agad sila sa galit, pero kapag si P-Duterte ang umamin at nagsabing palpak ang kanyang giyera kontra ilegal na droga ay okay lang sa kanila, boom!

◘◘◘

MGA SMUGGLERS AT ‘BUWAYA’ SA CUSTOMS, ‘TOKHANGIN’ NA—Kung nais ng gobyerno na matigil o mabawasan man lang ang pagpasok ng ilegal na droga sa bansa, ang dapat gawin ni P-Duterte ay ipa-”tokhang” na kay Comm. Rey Leonardo “Jagger” Guerrero ang mga smugglers at kurakot na Customs officials.

Sa totoo lang, hindi makapapasok ang ilegal na droga sa bansa kung walang kasabwat ng mga smugglers at “buwaya” sa Bureau of Customs, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page