top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Dinukot daw ng puting van, lolo buking.. 8-anyos pinatay sa sakal, ni-rape

BRT
Jan 8, 2020
1 min read

Natagpuang patay ang 8-anyos na babae sa Candelaria, Quezon, kamakalawa ng hapon.

Arestado naman ang suspek na si Ricardo Burce, 54, ka-barangay ng biktima.

Umamin ito sa pagpatay at panggagahasa sa bata dahil umano sa kalasingan.

Ayon pa kay Lt. Col. Jezreel Calderon, si Burce ang nagturo sa mga awtoridad kung saan matatagpuan ang bangkay ng biktima. Aniya, nakita niyang dinukot ng tatlong lalaki ang biktima at isinakay sa puting van.

Kalaunan ay umamin din ang suspek na siya ang may gawa ng krimen.

Pinatay muna ng suspek sa sakal ang biktima bago ginahasa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page