top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

12 koponan, lalahok sa D-League Aspirant's Cup

  • VA
  • Jan 8, 2020
  • 1 min read

Umabot na sa 12 koponan ang nagpahayag ng kanilang intensiyon para lumahok sa darating na 2020 PBA D-League Aspirants’ Cup na nakatakdang umpisahan sa Pebrero 13.

Isa sa mga koponang ito ang nagbabalik na University of the Philippines na pinangungunahan nina Kobe Paras, Ricci Rivero at Bright Akhuetie. Taong 2016 pa nang huling naglaro ang Maroons sa developmental league.

Sasabak sa unang pagkakataon ang Eco Oil-DLSU Manila gayundin ang mga school-based teams na Mapua at DLSU Dasmariñas at mga club teams na Parañaque City at Debantan Sports.

Kabilang pa rin sa hanay ng mga kalahok ang mga beteranong koponan na Centro Escolar University at Marinerong Pilipino na tatangkaing bumawi mula sa runner-up finish nila noong nakaraang taon.

Nagbabalik din para sa first conference ang Ironcon-University of Santo Tomas, Far Eastern University, Diliman College at AMA Online Education.

Para sa iba pang mga koponang interesado, maaari pa ring lumahok at ang deadline sa pagbabayad para sa partisipasyon ay itinakda hanggang Enero 15.

Samantala, nakatakdang idaos ang 2020 PBA D-League Draft sa Enero 20 sa PBA Office sa Libis, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page