top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

VP Leni, bibigyan na ng bagong puwesto, P-Digong binanatan pa sa droga

  • Pabs Hernandez III
  • Jan 7, 2020
  • 2 min read

SEC. LOCSIN, “SYMPATHIZER” NI IRANIAN GEN. SOLEIMANI?—Ayon kay PNP-Officer-in-Charge (OIC) Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa, inaalam na nila ang pagkakakilanlan ng mga “sympathizers” sa bansa ni Iranian Gen. Qassem Soleimani na namatay sa pag-atake ng U.S. forces upang mahadlangan ang anumang karahasang gagawin ng mga ito sa Pilipinas.

Ganu’n? Aba, siguro, isa sa mga dapat bantayan ni Gen. Gamboa ay si DFA Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin, Jr. kasi nag-post ito sa social media ng “Soleimani is the ‘greatest commander’ since Roman General Julius Caesar”, period!

◘◘◘

SA PANIBAGONG BANAT NI VP LENI, BAKA MAMURA NA NAMAN SIYA NI P-DUTERTE?—Matapos sabihin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nais pa rin daw bigyan ni P-Duterte ng panibagong puwesto sa gobyerno si VP Leni Robredo, ibinulgar ng bise-presidente na mula raw nang ipairal ng Duterte gov’t. ang “drug war” ay tone-toneladang shabu ang pumapasok sa bansa pero wala pa raw 1% ang nakukumpiska ng pamahalaan.

Dahil sa ibinulgar na ito ni VP Leni, malamang hindi na bagong posisyon sa gobyerno ang ibigay sa kanya ni P-Duterte, kundi malulutong na mura, he-he-he!

◘◘◘

MGA ILEGALISTA SA QC NA NASA WATCHLIST NG PCSO, DINEDEDMA LANG NI GEN. SINAS—Sa kabila ng nasa “watchlist” na raw ni PCSO General Manager Royina Garma ang mga ilegalista ng Quezon City na sina “Tepang”, “Egay”, “Pening” at “Baby Brutus” dahil ang legal na operasyon daw ng STL ay ginagamit ng mga ito sa kanilang raket na “STL Pares”, hanggang ngayon ay wala pa rin daw ginagawang aksiyon si NCRPO Director Gen. Debold Sinas para dakpin ang mga manraraket na ito.

Aba, kung ganyan na “nganga” lang si Gen. Sinas sa raket ng mga ilegalistang ito, ang dapat nang umaksiyon dito ay si PNP-OIC Gen. Gamboa, boom!

◘◘◘

MAY ‘NO TAKE POLICY’ NA PERO MAY MGA PARAK SA EPD NA NAGTE-"TAKE” NG PAYOLA SA MGA ILEGALISTA—Isang “Laksa” raw ang bossing ng mga parak na “tongpats” collector na sina “Makoy”, “Marlon” at “Sablay” sa eastern part ng Metro Manila.

Pambihira, may “no take policy” na si Gen. Gamboa, tapos may mga parak na nagte-take pa rin ng payola sa mga ilegalista, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page