top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tatanggi sa isinosoling palpak na produkto.. P1 milyon multa sa online seller

  • Gina Pleñago
  • Jan 7, 2020
  • 1 min read

Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga online sellers na tatangging tanggapin ang isinasauling depektibong produkto na binili sa kanila ng mga consumers.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, may parusang multa na P100,000 hanggang P1,000,000 sa sinumang mapatutunayang tumatanggi sa mga ibinentang depektibong items na isinasauli ng mga consumers. Hinimok ng kalihim ang mga consumers na ireklamo sa Consumers Protection Division ng DTI ang mga abusadong nagtitinda online o mismong sa mga establisimyento.

Nag-ugat ang babala ng kagawaran kasunod ng libong mga consumers na bumibili online na nakatatanggap ng depektibong mga items na kanilang in-order online.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page