Sunod-sunod na sakuna sa iba’t ibang bansa, nakasulat lahat sa bible bago ang judgment day
- Ka Ambo
- Jan 7, 2020
- 2 min read
Nasusunog ang malaking bahagi ng Australia.
Nagkaroon ng ipu-ipong apoy!
◘◘◘
ILANG ulit nating binasa ang Bibliya kung saan binanggit dito ang pagkagunaw ng Sodom and Gomorrah.
Binanggit ang haliging apoy!
◘◘◘
INAAKALA ko noon na hindi totoo at imposibleng magkaroon ng haliging apoy.
Pero sa isang video clip na inilabas sa social media ng isang taga-Australia, ipinakikita ang “haliging apoy” kung saan ang ipu-ipo ang siyang nagtangay ng apoy upang maging porma ito ng matayog na poste na naglalagablab!
◘◘◘
SA Apokalipsis, ibinabala ang Armageddon kung saan inilalarawan ang pagkasunog ng malaking bahagi ng mundo.
Ang sunog na inilalarawan ay kabundukan tulad sa nararanasan sa Australia, U.S., Latin America at Indonesia!
◘◘◘
MALINAW na ang prediksiyon sa Bibliya ay posibleng maganap at aktuwal na nasasaksihan ng kasalukuyang tao.
Nagaganap na ang mga binabanggit sa Banal na Kasulatan!
◘◘◘
MAAARING babala o senaryo lamang ng higit na malagim na pangyayari ang nasasaksihan natin sa Australia.
At ito ay isa sa mga eksena ng malagim na pagwawakas!
◘◘◘
ISA pang hindi ordinaryong pangyayari na inilalarawan sa Bibliya ay ang “ulan ng mga bulalakaw” o ang pagbagsak ng mga bituin.
Ibig sabihin, sa panahon na isinusulat ang Bibliya, wala pang termino ng meteor, meteorites o asteroid.
Nagsusulat ang mga manunulat o nagkukuwento sila batay sa “termino o kataga o karanasan” na kanilang pinagdaanan!
◘◘◘
ANG pagbagsak ng mga bituin ay malinaw na pagbagsak ng maliliit na meteorites o mumunting asteroid na sumabog mula sa kalawakan.
Naranasan na ito sa ibang panig ng mundo tulad sa Russia!
◘◘◘
IBIG sabihin, nang sumabog ang asteroid ay naging maliliit na apoy na ito na bumagsak sa daigdig.
Naganap na ito noong sinaunang panahon at ito ay posibleng muling maganap sa kasalukuyang panahon!




Comments