Patak kontra polio, extended

Pinalawig pa ng Department of Health (DOH) hanggang sa Abril ngayong taon ang kanilang Sabayang Patak Kontra Polio (SPKP) sa Mindanao at National Capital Region.
Para sa NCR, magkakaroon ng dalawang rounds, ito ay ngayong Enero 7 hanggang 27 at sa Marso 9 hanggang 20 ng taong ito.
Habang sa Mindanao naman ay mula kahapon, Enero 6 hanggang 12 sa Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga City, Isabela City at Lambayong, Sultan Kudarat.
May dalawa ring karagdagang rounds na gagawin sa lahat ng rehiyon sa Mindanao mula Pebrero 17 hanggang Marso 1 at Marso 23 hanggang Abril 4, 2020.
Patuloy naman ang apela ni Health Sec. Francisco Duque III sa lahat na makiisa sa maramihang patak kontra polio para mawakasan na ang polio outbreak sa bansa. Sa pagpapalawig ng bakuna kontra polio, target ng DOH na masakop ang kahit 95% ng lahat ng lugar sa bansa at matiyak na lahat ng bata na nasa edad 5 pababa ay nabigyan ng oral vaccine.
Sa datos ng DOH, walo ang naitalang kaso ng polio na karamihan ay sa Mindanao.





Comments