Newsome, hindi titigil sa pagsubok ang Bolts

Umayon na sana ang kapalaran sa Meralco Bolts sa ikatlong pagkakataon dahil dalawang beses nang nabigo ang Bolts sa Barangay Ginebra sa nakaraang PBA Governor’s Cup finals, pero hindi ibig sabihin na titigil nang sumubok ang team.Iyan ang positibong pananaw ni Chris Newsome. “I feel like a final series won’t be right without overcoming the people that beat you the last two times in the finals,” ani Newsome sa presser ng season-ending title series na idinaos sa Eastwood na lumabas sa PBA.ph.
“So it’s great to go up against them (again). It’s amazing feeling to be in the court against Ginebra and the great players that they have over there.”
Rookie pa lamang noon si Newsome nang ihatid niya sa finals ng liga ang Bolts sa unang pagkakataon noong 2016, pero natalo sa Governor’s Cup championship matapos na maisalpak ni Ginebra import Justine Brownlee ang game-winning 3-pointer sa buzzer ng Game 6.
Nang sumunod na taon, nag-rematch ang 2 teams, pero kinapos uli ang Bolts bagamat nakapuwersa sila ng Game 7 na idinaos sa Philippine Arena sa Bulacan.
Balik na muli mamayang gabi ang dalawang team at umaasa si Newsome na katigan sila ng suwerte. “We lost the finals, we picked ourselves up, and we kept working. We got back again, and then we lost again, we picked ourselves back up, and we re-focus, and here we are again for the third time,” ayon sa 29-anyos na mula sa Ateneo.





Comments