Misis na pulis nakaaway.. Mister nagbaril sa ulo, patay

Nauwi umano sa pagbabaril sa sarili ng isang mister ang pakikipagtalo nito sa kanyang misis sa General Santos City, kamakalawa ng madaling-araw.
Kinilala ang biktima na si Sernie Castillon Selda, 36, residente ng Bgy. Fatima.
Nauna rito, dumating umano na lasing ang lalaki at nagkaroon sila ng pagtatalo ng kanyang misis na isang pulis.
Sinasabing pinagtalunan din ng dalawa ang nasirang motorsiklo hanggang sa agawin umano ng lalaki ang baril ng kanyang misis.
Agad umanong pinaputok ng biktima ang baril na tumama ang bala sa kanang tenga at tumagos sa ulo nito.
Sa tala ng pulisya, may pagtatangka na rin noon ang biktima na magpatiwakal kung iiwan ng kanyang asawa.
Patuloy pang sinisiyasat ng mga awtoridad ang insidente.





Comments