top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Iniwan sa loob, sasakyan nagliyab.. 2 yrs. old nasunog nang buhay

V. Reyes
Jan 7, 2020
1 min read

Nasunog nang buhay sa loob sasakyan ang 2-taong gulang na babae sa Bgy. 24, Nagrebcan, San Nicolas, Ilocos Norte.

Kinilala ang nasawing biktima na si Alicia Zyra Aguinaldo.

Ayon kay SFO2 Bonjo Aguinaldo, kasama ni Frederick Aguinaldo ang biktima sa paghahatid sa isa pa ni tong anak na nag-aaral sa San Nicolas Central Elementary School.

Iniwan muna ng ama ang paslit na biktima sa loob ng nakaandar na kotseng Revo dahil may aasikasuhin ito.

Gayunman, ikinagulat na lamang ng ama ng biktima nang biglang nagliyab ang kotse nito kung saan naroon sa loob ang anak.

Nadamay din sa sunog ang katabing van ng kanilang kotse.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, posibleng nagmula ang sunog sa charger port ng sasakyan na pinaglalagyan ng cigarette lighter.

Nagpapatuloy pa ang pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection sa nasunog na sasakyan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page